Competition in this pair is now closed, and the winning entry has been announced. Discussion and feedback about the competition in this language pair may now be provided by visiting the "Discussion & feedback" page for this pair. Entries may also be individually discussed by clicking the "Discuss" link next to any listed entry. Source text in English Who cast that first fateful tomato that started the La Tomatina revolution? The reality is no one knows. Maybe it was an anti-Franco rebellion, or a carnival that got out of hand. According to the most popular version of the story, during the 1945 festival of Los Gigantes (a giant paper mâché puppet parade), locals were looking to stage a brawl to get some attention. They happened upon a vegetable cart nearby and started hurling ripe tomatoes. Innocent onlookers got involved until the scene escalated into a massive melee of flying fruit. The instigators had to repay the tomato vendors, but that didn't stop the recurrence of more tomato fights—and the birth of a new tradition.
Fearful of an unruly escalation, authorities enacted, relaxed, and then reinstated a series of bans in the 1950s. In 1951, locals who defied the law were imprisoned until public outcry called for their release. The most famous effrontery to the tomato bans happened in 1957 when proponents held a mock tomato funeral complete with a coffin and procession. After 1957, the local government decided to roll with the punches, set a few rules in place, and embraced the wacky tradition.
Though the tomatoes take center stage, a week of festivities lead up to the final showdown. It's a celebration of Buñol's patron saints, the Virgin Mary and St. Louis Bertrand, with street parades, music, and fireworks in joyous Spanish fashion. To build up your strength for the impending brawl, an epic paella is served on the eve of the battle, showcasing an iconic Valencian dish of rice, seafood, saffron, and olive oil.
Today, this unfettered festival has some measure of order. Organizers have gone so far as to cultivate a special variety of unpalatable tomatoes just for the annual event. Festivities kick off around 10 a.m. when participants race to grab a ham fixed atop a greasy pole. Onlookers hose the scramblers with water while singing and dancing in the streets. When the church bell strikes noon, trucks packed with tomatoes roll into town, while chants of "To-ma-te, to-ma-te!" reach a crescendo.
Then, with the firing of a water cannon, the main event begins. That's the green light for crushing and launching tomatoes in all-out attacks against fellow participants. Long distance tomato lobbers, point-blank assassins, and medium range hook shots. Whatever your technique, by the time it's over, you will look (and feel) quite different. Nearly an hour later, tomato-soaked bombers are left to play in a sea of squishy street salsa with little left resembling a tomato to be found. A second cannon shot signals the end of the battle. | The winning entry has been announced in this pair.There were 6 entries submitted in this pair during the submission phase. The winning entry was determined based on finals round voting by peers.
Competition in this pair is now closed. | Sino ang unang nagpukol ng malas na kamatis na nagpasimula ng pag-aalsang La Tomatina? Ang totoo walang nakakaalam. Maaaring isang paghihimagsik ito laban kay Franco, o isang karnabal na nauwi sa gulo. Ayon sa isang pinakapopular na bersiyon ng kwento, noong 1945 habang idinaraos ang pista ng Los Gigantes (parada ng mga higanteng papet na yari sa papel), ilang lokal ang nagkunwaring nanggugulo para makatawag-pansin. Namataan nila ang isang kariton ng mga gulay at sinimulang ihagis ang mga hinog na kamatis. Nadamay ang mga walang kamalay-malay na manonood at nauwi ito sa isang malaking labu-labo ng nagliliparang prutas. Pinag-bayad ng mga tindero ng kamatis ang mga nagpasimuno, pero naulit at naulit ang pagpupukulan ng kamatis-at isinilang ang isang bagong tradisyon. Sa takot na mauwi ito sa isang malaking kaguluhan, gumawa ang mga awtoridad ng batas, at nagpatupad ng mga serye ng pagbabawal noong taong 1950. Noong 1951, ang mga lokal na lumabag sa batas ay ibinilanggo hanggang manawagan ang publiko na palayain sila. Ang pinaka-mapangahas na paglabag sa pagbabawal sa kamatis ay naganap noong 1957 nang ang mga tagapagtaguyod nito ay magsagawa ng kunwang libing ng kamatis kumpleto sa kabaong at prusisyon. Pagkaraan ng 1957, ang lokal na pamahalaan ay nagpasiyang makiayon na lang, nagpatupad ng ilang patakaran, at tinanggap ang kakatwang tradisyon. Bagaman ang kamatis ang bumibida, isang linggong kasiyahan muna ang nagaganap bago ang pangwakas na sagupaan. Ito ay pista ng patron ng Buñol, ang Birheng Maria at San Luis Bertrand, may parada sa kalye, musika, at masayang putukan na kaugalian sa mga Kastila. Para makaipon ng lakas sa paparating na labanan, isang malaking handaan ng paella ang gagawin sa bisperas ng sagupaan, na nagtatampok sa sikat na Valencianang putaheng ito ng kanin, lamang-dagat, sapron, at langis ng olibo. Ngayon, ang di-napigilang kapistahang ito ay meron ng kaayusan. Ang mga organisador ay nagtatanim pa nga ng espesyal na uri ng hindi masarap na kamatis para lang sa taunang paligsahang ito. Nagsisimula ang pagdiriwang ng 10:00 n.u. kung saan ang mga kalahok ay mag-uunahan sa pagkuha ng hamon na nakasabit sa palo sebo. Sinasabuyan ng tubig ng mga manonood ang mga kalahok habang nagkakantahan at nagsasayawan sila sa kalye. Sa Pagkalembang ng kampana ng simbahan sa tanghali, trak-trak na mga kamatis ang papasok sa bayan, habang palakas ng palakas ang sigawan ng "To-ma-te, to-ma-te!". Pagkatapos, pagbuga ng kanyon ng tubig, magsisimula ang pinakatampok na labanan. Iyon na ang hudyat sa pagyurak at walang-patumanggang pagpupukulan ng kamatis ng lahat ng mga kalahok. May naghahagis sa malayo, may umaasinta sa malapitan, at may bumabato sa di-kalayuan. Anuman ang paraan mo, pagkatapos nito ay magiging kakaiba ang itsura (at pakiramdam) mo. Paglipas ng halos isang oras, ang naliligo-sa-kamatis na mga nagpukulan ay maiiwang nakalusong sa isang kalsadang punung-puno ng salsa at halos mukhang mga kamatis na din sila. Ang ikalawang pagbuga ng kanyon ang hudyat na tapos na ang labanan. | Entry #22111 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Winner Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
37 | 8 x4 | 2 x2 | 1 x1 |
| Sino kaya ang naghagis noong pangunahing kamatis na napalarang matuloy sa Pag-aalsa ng Tomatina? Sa katotohanan, walang nakakaalam. Maaari itong nagmula bilang paghihimagsik laban kay Franco, o bilang karnabal na pinagkaguluhan. Ayon sa pinakalaganap na pagsasalaysay, sa pista ng mga higante (parada ng malalaking maryonetang yari sa kartong papel) na dinaos noong 1945, may mga taong-bayang naghahanap ng away upang makakuha ng pansin. Natuklasan nila ang isang karetong puno ng gulay na nasa paligid at nagsimula silang maghagis ng mga hinog na kamatis. Nadali ang mga walang-malay na nagsusubaybay, hanggang sa wakas ay lumala sa isang labu-labo ng nagliliparang prutas. Ang mga salarin ay napilitang magbayad sa mga nagtitinda ng kamatis, subalit hindi nito napigil ang pag-ulit ng iba pang bakbakan sa kamatis. Sa ganito ay ipinanganak ang isang bagong tradisyon. Dala ng pag-aalinlangan sa magugulong pangyayari, isinabatas ng mga maykapangyarihan ang pagbabawal nito noong dekadang namagitan sa 1950 at 1960, linuwagan, at pagkatapos muling hinigpitan. Noong 1951, ang mga taong-bayang lumabag sa batas ay ikinulong hanggang hiniling ng madla ang kanilang pagpapalaya. Ang pinakabantog na pagtutol sa pagbabawal ng kamatis ay naganap noong 1957, kung saan ang mga nagdiriwang ay pakutyang nagtanghal ng paglibing ng kamatis, kasama na ang kabaong at ang prusisyon. Matapos ang 1957, ang pamahalaang pampook ay nagpasyang umalalay na lamang; nagtakda ng ilang patakaran at tinanggap ang tradisyong nakakahibang. Kahit na ang kamatis ay bida, pinapangunahan ito ng isang linggo ng pagdiriwang. Pinaparangalan nito ang mga patron ng Buñol, ang Birheng Maria at si San Luis Bertran, kasama na ang mga parada sa lansangan, musika at paputok, ayon sa masasayang kaugalian sa Espanya. Bilang pagpasigla sa darating na bakbakan, naghahain ng napakalaking paella sa bispera ng labanan, na itinatanghal ang platong pinakatanyag ng Balensiya, na naglalaman ng kanin kasama ng pagkaing-dagat, asapran at langis ng oliba. Sa ngayon, may matuturing na pamamahalang imiiral sa di-masupil na pagdiriwang na ito. Ang mga nangangasiwa ay umaabot hanggang sa pagtanim ng uri ng kamatis na hindi masarap kainin upang magamit lamang sa bakbakan. Nagsisimula ang pagdiriwang sa alas-10 ng umaga, kung kailan ang mga lumalahok ay nag-uunahang makuha ang isang hamon na nakatali sa ibabaw ng palong madulas. Binabasa sila ng tubig ng mga tagasubaybay habang ang mga ito ay kumakanta at sumasayaw sa paligid. Sa katanghaliang pagtugtog ng kampana ng simbahan, pumapasok sa bayan ang mga trak na naglalaman ng kamatis habang palakas nang palakas ang mga sigaw na "to-ma-te, to-ma-te!" Sa ganito, kasabay ng pagbomba ng kanyon ng tubig, nagsisimula ang namumunong pangyayari. Ito ang tanda upang pisilin at ihagis ang mga kamatis laban sa lahat ng mga kapwang lumalahok, maging malayuang patamaan, tahasang tudlaan, o matitira nang pakawit sa katamtamang layo. Anumang paraan ang gamitin mo, pagkatapos ng pangyayari, magbabago nang lubos ang iyong anyo (at pakiramdam). At matapos ang halos isang oras, ang mga tagahagis ng mga bombang nakababad sa kamatis ay binabayaang maglalaro sa madulas na karagatan ng sarsang nakakalat sa lansangan, na wala nang makikilalang kamatis sa paligiran. Sa pangalawang putok ng kanyon, nagtatapos ang labanan. | Entry #20698 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
14 | 3 x4 | 0 | 2 x1 |
| Sino ang pumukol sa pinakaunang mapalad na kamatis na nag-umpisa ng himagsikang La Tomatina? Ang katotohanan ay walang nakakaalam. Malamang na ito ay isang rebelyong laban kay Franco, o isang karnabal na hindi narendahan. Ayon sa pinakapopular na bersiyon ng kuwento, noong piyesta ng 1945 na Los Gigantes (isang parada ng higanteng papet na gawa sa paper mâché), ang mga lokal ay naghahanap ng basag-ulo para makakuha ng atensiyon. Nakita nila ang isang kariton ng mga gulay sa paligid at sinimulan ang pagbato ng mga hinog na kamatis. Ang mga inosenteng miron ay nakisali hanggang sa gumulo ang tagpo sa isang malaking karambola ng lumilipad na prutas. Ang mga pasimuno ay kinailangang magbayad sa mga nagtitinda ng kamatis, ngunit hindi nito napigilan ang muling pagsasagawa ng mga marami pang mga laban ng mga kamatis - at ang kapanganakan ng isang bagong tradisyon. Natatakot sa isang di-mapigil na kaguluhan, nagpasa, linuwagan, at saka ibinalik ang isang serye ng mga pagbabawal noong mga taon ng dekada singkuwenta. Noong 1951, ang mga lokal na sumalungat sa batas ay ipinakulong hanggang sa isang publikong palahaw ang tumawag sa kanilang paglaya. Ang pinakapamosong pambabastos sa pagbabawal sa kamatis ay nangyari noong 1957 noong ang mga pasimuno ay nagsagawa ng isang kunwaring libing ng kamatis na kinumpleto ng isang kabaong at prosesyon. Pagkatapos ng 1957, ang lokal na pamahalaan ay nagdesisyon na tanggapin ito, magpanukala ng ilang tuntunin, at niyakap ang nakakatuwang tradisyon. Bagaman ang mga kamatis ang pinagtutuunan nang pansin, isang linggo ng kasiyahan ang nagtutuloy hanggang sa pinal na kaganapan. Isa itong selebrasyon ng mga santong patron ng Buñol, ang Mahal na Birhen at ni San Luis Beltran, na may mga parada sa kalye, musika, at kuwitis sa maligayang pamamaraang Espanyol. Para mapahusay ang lakas sa napipintong basag-ulo, isang epikong paelya ang inihain sa bisperas ng laban, ipinapakita ang isang ikonikong handang Valencia na kanin, pagkaing-dagat, sapron, at langis ng oliba. Sa ngayon, ang di-natatanikalaang piyesta ay mayroong kaayusan. Ang mga organisador ay umabot sa punto na nagtatanim sila ng isang espesyal na uri ng isang walang kalasa-lasang mga kamatis para lamang sa taunang kaganapan. Nagsisimula ang mga kasiyahan bandang 10 n.u. kapag ang mga kalahok ay nagpapaligsahan sa pag-agaw ng hamón sa tuktok ng isang malangis na poste. Ang mga miron ay nagdidilig ng mga scrambler na may tubig habang kumakanta at nagsasayaw sa mga kanto. Kapag ang kampana ng simbahan ay sumapit na sa tanghali, ang mga trak na punongpuno ng mga kamatis ay pumapasada sa bayan, habang ang mga awit ng “Kamatis, kamatis!” ay umaabot sa rurok nito. Saka, sa pagbomba ng kanyon ng tubig, ang pangunahing kaganapan ay nagsisimula na. Iyan ang senyales nang pagdurog at paglunsad ng mga kamatis para sa mga atakeng bigay-todo laban sa mga kasamang kalahok. Mga malayuang tagabato ng kamatis, mga malapitang asesino, at mga katamtaman sa layong mga hook shot. Anuman ang iyong pamamaraan, sa pagtatapos nito, magmumukha kang (at mararamdaman ang) bahagyang kakaiba. Halos isang oras pagkatapos, ang mga naligo sa kamatis na mga tagabomba ay hinahayaang maglaro sa isang dagat ng nanlalagkit na salsa sa kalye na kaunti na lamang ang naiwan na mukhang kamatis ang mahahanap. Ang pangalawang alingawngaw ng kanyon ang naghuhudyat ng pagtatapos ng laban. | Entry #21293 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
11 | 1 x4 | 3 x2 | 1 x1 |
| Sino ang naghagis ng unang makasaysayang kamatis na iyong nagpasimula sa rebolusyong La Tomatina? Ang realidad ay walang may alam. Maaaring isa iyong rebelyong kontra-Franco, o isang karnabal na nawalan ng kontrol. Ayon sa pinakapopular na bersiyon ng kuwento, habang nasa 1945 na pista ng Los Gigantes (isang parada ng higanteng paper mâché na papet), ang mga tagaroon ay naghahanap ng paglulunsaran ng away para makakuha ng kaunting pansin. Nabunggo sila sa isang malapit na kariton ng gulay at nagsimulang maghagis ng mga kamatis. Ang mga walang-malay na nanonood ay nasangkot hanggang lumaki ang eksena sa isang malakihang gulo ng lumilipad na mga prutas. Ang mga pasimuno ay kinailangang magbayad sa mga nagtitinda ng kamatis, pero hindi nito napahinto ang pag-ulit ng mas maraming mga laban ng kamatis—at ang pagsilang ng isang bagong tradisyon. Takot sa di-maisaayos na paglubha, ang mga awtoridad ay gumawa, nagpahinga, at pagkatapos ay nagbalik sa isang serye ng mga pagbabawal noong 1950s. Noong 1951, ang mga tagaroon na sumuway sa batas ay ikinulong hanggang ipanawagan ng pampublikong simbuyo ang pagpapalaya sa kanila. Pinakatanyag na kahambugan sa mga pagbabawal sa kamatis ang naganap noong 1957 nang magdaos ang mga nagpasimula ng isang kunwaring libing na kumpleto sa kabaong at prusisyon. Pagkatapos ng 1957, ipinasya ng lokal na gobyerno na tanggapin ang mga pangyayari, nagtakda ng ilang tuntunin, at niyapos ang kakatwang tradisyon. Bagaman nasa gitna ng entablado ang mga kamatis, isang linggo ng kasiyahan ang humahantong sa panghuling paligsahan. Isa itong pagdiriwang sa mga santong patron ng Buñol, sa Birhen Maria at sa St. Louis Bertrand, may mga parada sa kalsada, musika, at mga paputok sa masayang paraang Espanyol. Para palakasin ang sarili sa napipintong kaguluhan, isang epikong paella ang ipinapakain sa bisperas ng laban, itinatampok ang tanyag na pagkaing Valencia na kanin, laman-dagat, saffron, at langis ng oliba. Ngayon, ang di-napigilang pistang ito ay may kaunting kaayusan. Ang mga organisador ay humantong hanggang sa paglinang ng espesyal na uri ng di-makaing mga kamatis para lang sa taunang pangyayari. Ang kasiyahan ay nagsisimula nang halos 10 n.u. kapag nagkarera ang mga kalahok para dakmain ang hamon na nasa tuktok ng isang malangis na poste. Bobombahin ng mga nanonood ang mga nagkakagulo ng tubig sa hos habang kumakanta at nagsasayaw sa mga kalsada. Kapag tumunog ang kampana ng simbahan sa katanghalian, ang mga trak na puno ng kamatis ay darating sa bayan, habang lumalakas ang mga sigaw ng “Ka-ma-tis, ka-ma-tis!” Pagkatapos, pagsirit ng kanyon ng tubig, magsisimula ang pangunahing pangyayari. Iyon ang senyal ng simula ng pagdurog at paghagis ng mga kamatis sa lahatang atake laban sa mga kapwa kalahok. Mga naghahagis ng kamatis mula sa malayo, mga namamaslang nang walang puntirya, at paitaas na hagis sa gitna. Anuman ang teknik mo, sa oras na tapos na ito, medyo iba ang hitsura (at pakiramdam) mo. Halos isang oras pagkaraan, ang mga tagahagis ng bomba na tigmak sa kamatis ay hahayaang maglaro sa isang dagat ng madulas na kalsada ng salsa nang halos walang matagpuang kamukha ng kamatis. Ikalawang putok ng kanyon ang senyal ng pagtatapos ng laban. | Entry #22109 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
10 | 1 x4 | 2 x2 | 2 x1 |
| Sino ang nagbato na unang pinakamalakas at pinakamalayong kamatis na nagsimula ng rebolusyong ng La Tomatina? Ang katotohanan ay walang sinuman ang nakakaalam. Siguro ito ay isang paghihimagsik anti-Franco, o isang karnibal na nakalabas sa kural. Ayon sa pinaka-popular na bersyon ng kuwento, sa panahon ng pagdiriwang noong 1945 ng Los Gigantes (isang parada ng higanteng manika na gawa sa papel), ang mga lokal ay naghahanap ng paraan upang gumawa ng gulo upang makakuha ng ilang pansin. Nangyari ito malapit sa isang kariton ng mga gulay at nagsimulang mambato ng mga hinog na kamatis. Ang mga inosenteng manonood ay nadamay hanggang sa lumala ang eksena at naging sa isang napakalaking labu-labong lumilipad na prutas. Ang mga nagpakana ng gulo ay kinailangang bayaran ang tindero ng kamatis, ngunit iyon ay hindi natigil ang pagulitulit ng mga pamamato ng mga kamatis-at ang pagsilang ng isang bagong tradisyon. Sa takot na magkaron ng isang magulong pagdami ng gulo, ang mga awtoridad ay umaksyon, nagpahinga, at pagkatapos ay ibinalik ang mga serye ng mga pagbabawal nuong 1950s. Nuong 1951, ang mga lokal na sumuway sa batas ay nabilanggo hanggang sa pampublikong saloobin ay naging daan sa kanilang paglaya. Ang pinaka sikat na pagaklas sa pagbabawal ng batuhan ng kamatis ay nangyari nuong 1957 nang ang mga promotor ay gumawa ng huwad na libing na may kasamang ataulat prusisyon. Nang matapos ang 1957, nagpasya ang mga lokal na pamahalaan upang sumunod sa layaw, magtakda ng ilang mga panuntunan sa lugar, at yakapin ang nakatutuwang tradisyon. Bagama't naging sentro ng pansin ang mga kamatis, ang isang linggong pyesta ay humantong sa huling paghaharap. Ito ay isang pagdiriwang ng mga santong patron ng Buñol, ang Birheng Maria at San Louis Bertrand, na may mga prusisyong sa kalye, musika, at mga paputok sa isang masayang Espanyol na moda. Upang mabuo angang iyong lakas para sa nagbababalang gulo, isang masarap na paella ang naging almusal sa gabi ng digmaan, na nagpapakita ng isang imaheng Valencian na ulam na gawa sa kanin, pagkaing-dagat, asparan, at langis ng oliba. Ngayon, itong pistang hindi mapipigilan ay nagkaroon na ng ilang kaayusan. Ang mga taga-organisa ay walang limitasyon upang payamanin ang sari-saring espesyal na mga di kanais-nais na mga kamatis para lamang sa mga taunang kaganapan. Ang pista anf nagsisimula sa bandang ika-sampu ng umaga kapag ang mga kalahok ay nagpabilisang tumakbo upang sunggaban ang isang hamon na nakapirmi sa ibabaw ng mamantikang poste. Babasain ng tubig ng mga manunood ang mga nakikipagagawan habang nagkakantahan at nagsasayawan sa kalye. Kapag ang kampanilya ng simbahan ay tumunog na ng tanghali, ang mga trak na puno ng mga kamatis ay dadating habang ang pagkanta ng "To-Ma-te, i-Ma-te!" habang papalakas. Pagkatapos, sa pagbato ng tubig na kanyon, magsisimula ang pagdiriwang. Iyan ang hudyat para sa pagdurog at pagbato mga mga kamatis laban sa lahat ng mga kasali. Ang mga pambato ng kamatis galing sa malalayong distansya, deretsuhang pambato, at saktong layo ng bato. Anuman ang mga diskarteng mo, sa oras na ito ay matapos, ikaw ay magmumuka (at makakaramdam) ng lubos na kaibahan. Halos pagkatpos ng isang oras, ang mga bomberong lugmok sa kamatis ay matitira upang maglaro sa isang dagat ng malambot na sarsa sa kalye na may halos wala ng makikitang mukhang kamatis. Ang pangalawang kanyon ay magsesenyas ng katapusan ng labanan. | Entry #22112 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
2 | 0 | 0 | 2 x1 |
| Sino nga ba ang unang bumato ng kamatis na naging simula ng rebolusyong La Tomatina? Sa katunayan, walang nakaaalam nito. Marahil ito ay isang rebelyong laban sa mga Franco, o hindi kaya ay isang karnibal lamang na nawalan ng kontrol. Batay sa pinakapopular na bersyon ng kwento, noong taong 1945 sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Los Ginastes (isang parada ng mga higanteng mga papet na gawa sa papel) ang ilang mga residente ng lugar ay nais na magsagawa ng gulo upang makakuha ng atensyon mula sa mga tao. Nagkataong sila ay malapit sa isang kariton ng mga gulay at sila ay nagsimulang magbatuhan ng mga kamatis. Nadamay pati ang mga taong walang kinalaman sa away at ang mga ito ay sumali na rin sa pagbato ng mga gulay. Binayaran naman ng mga pasimuno ang nagtitinda ng kamatis subalit hindi rito nagtapos ang pagbabatuhan ng mga kamatis – sa halip ito ang naging siimula ng isang bagong tradisyon. Dahil sa pangamba na lalo pang lumaki ang gulo, nagsimulang ipagbawal ng awtoridad ang mga ganitong kaganapan noong 1950. Noong 1951, ang ilang mga residente na lumabag sa batas na ito ay ikinulong at nakalaya lamang dahil sa protesta ng mga taong bayan. Ang pinakabantog na protesta sa pagbabawal sa pagbabatuhan ng kamatis ay naganap noong 1957 na kung saan ang mga taong kasali rito ay nagdaaos pa ng kunwaring lamay para sa kamatis na mayroon pang kabaong at prosesyon. Matapos ang taong 1957, napagpasyahan ng lokal na pamahalaan na sumunod na lamang sa agos at suportahan ang naturang tradisyon at bumuo ng ilang mga batas at alituntunin para rito. Ito ay pagdiriwang para sa mga patron ng Buños, ang Birhing Maria at Santong Louis Bertrand, na kinatatampukan ng masayang parada, musika, at fireworks. Upang palakasin ang mga kahalok sa batuhan ng kamatis, hinahainan ang mga ito ng paelya sa gabi bago ang batuhan, ang paelya ay isang pagkaing Velencian na mayroong kanin, lamang dagat, Saffron, at langis ng oliba. Sa kasalukyan, ang malayang pagdiriwang na ito ay mayroon nang ganap na kaayusan. Sa katunayan, iba’t-ibang uri ng kamatis pa nga ang ginagamit para lamang sa pagdirwang na ito. Ang pagdiriwang ay nagsisimula sa ganap na ika-sampo ng umaga sa pamamagitan ng palo sebo na ang kukunin sa ituktok ng madulas na poste ay hamonado. Nagsasaboy naman ng tubig ang mga manonood habang umaawit at nagsasayaw sa kalsada. Kapag kumalembang na ang kampana ng simbahan sa ganap na alas dose ng tanghali, nagsisimula nang magsidatingan sa daan ang mga trak na punung-puno ng mga kamatis habang sumisigaw ang mga tao ng “To-mate, to-ma-te!” At sa pamamagitan ng pagpapaputok ng kanyon ng tubig ang pagbabatuhan ng kamatis ay magsisimula na. Ito ang senyales na maari mo nang batuhin ng kamatis ang mga kapwa mo kalahok hanggang sa iyong makakaya. May iba’t-ibang uri ng kagamitang maaring magamit para rito, may lobber na pangmalayuan, mayroon namang point blank assassin, at mayroon ding pangmalapitang hook shot. Anuman ang iyong diskarte, sa oras na matapos ang pagdiriwang, makakaramdam ka ng kakaibang kaligayahan. Matapos ang halos isang oras, ang mga kalahok ay nagtatampisaw sa kalsadang punung-puno ng katas ng kamatis. Ang ikalawang pagputok ng kanyon naman ang nagsisilbing senyales na tapos na ang batuhan. | Entry #22169 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
30 | 6 x4 | 3 x2 | 0 |
| | | | | X Sign in to your ProZ.com account... | | | | | | ProZ.com translation contestsProZ.com translation contests offer a fun way to take a break from your normal routine while testing and honing your skills with fellow translators.
ProZ.com Translation Contests. Patent pending. |